VIRAL: Pambubugbog ng grupo ni Angelika Tumang sa mga estudyante sa Angeles City, inaksyunan ni Raffy Tulfo

Sharing is caring!

Isang kilabot na grupo ng mga kabataan sa pangunguna ng magkasintahang sina Angelika Tumang at Nickole Gamboa, ang naghahasik ng lagim ngayon sa Angeles City, Pampanga.

Ang modus ng gangster na ito ay mag-wave sa mga dalagita sa social media gamit ang account ni Nickole pero ang hindi alam ng kanilang target, ang nag-wawave sa kanila ay si Angelika.

Sa oras ng mag-wave pabalik ang kanilang biktima, dito na siya uumpisahang harasin, susundan-sundan hanggang sa ma-corner sa isang lugar at doon pagtutulungang bugbugin habang vini-videohan para magsilbing trophy ng kanilang kabulastugan.

Si Angelika ang starter sa pambubugbog at kapag lumaban ang biktima, dito na siya kukuyugin ng grupo.Ang pangalan ng kilabot na gangster na ito ay Smoking Area Group na kinabibilangan nina WINANG SULTAN, HONEY FAYE CATANGHAL, MICHAELA CATACUTAN, ABBY CALARA at pitong hindi pa nakikilalang mga miyembro na pawang mga lalaki.

Ayon sa ilang netizen na nakakakilala sa kanila at ayaw magpabanggit ng pangalan, nagma-marijuana at nagshashabu daw muna ang grupo bago sa pambubugbog para lumakas ang loob at maging bayolente.

Napag-alaman din na isang drug pusher sa Angeles, City na gumagamit ng mga alyas “Toril” at “Big Boy” ang supplier nila ng droga.Marami ng mga dalagita ang nabibiktima ng kilabot na grupong ito.Ipinagbigay alam na ng Raffy Tulfo in Action sa Philippine National Police (PNP) Pampanga at Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) Regional Office 3 ang gawain ng grupo.

PANOORIN: VIRAL VIDEO NG PANANAKIT SA ISANG 13 YRS OLD NA DALAGITA SA LOOB NG CR, INAKSYUNAN! PART 1

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *