News Komedyanteng si Mahal, pumanaw na

SPTEAM

Sikatpinoy STAFF
Staff member
Administrator
VIP Member
Badge of Ethics
Forum Keeper
Awards
6
  • VIP User
  • 100 Post Award
  • 200 Post Award
  • TOP Contributor Off The Week
  • SikatPInoy Staff
  • admin
Pumanaw na nitong Martes ang 46-anyos na komedyante na si Mahal, o Noeme Tesorero sa tunay na buhay.
Screenshot_2021_0831_221833.png
Ang malungkot na balita ay kinumpirma sa GMA News Online ng stepmother niya na si Josefa Tesorero.

Tumanggi na siya na sabihin ang detalye sa pagkamatay ni Mahal.

"Hindi muna ako tatanggap ng interview, please. Hindi pa namin kaya. Sorry," pakiusap ni Josefa.

Noong nakaraang linggo lang, ipinalabas sa programang "
Please, Log in or Register to view URLs content!
ang pagpunta ni Mahal sa Bicol para bisitahin at tulungan ang kaniyang kaibigan at dating ka-love team na si Mura.

Napanood si Mahal sa ilang Kapuso program tulad ng "Owe My Love," kasama sina Love Poe at Benjamin Alves.--FRJ, GMA News

Source GMA NEWS
 

Wallet

SikatPoints
0
Top