Sen. Bato dela Rosa sa ex-mayor na nanghalay at pumatay sa UPLB students: He deserves a second chance in life

Sharing is caring!

Naniniwala si Senator Ronald “Bato” dela Rosa na dapat bigyan ng pangalawang pagkakataon ang convicted rapist at murderer na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay Dela Rosa, na dating pinuno ng Bureau of Corrections (BuCor), “deserve” ni Sanchez ang “second chance” kahit pa nahatulan ito ng pitong reclusion perpetua dahil sa panghahalay at pagpatay sa University of the Philippines Los Baños (UPLB) student na si Eileen Sarmenta at Allan Gomez noong 1993.

“If it is determined by the Board of Pardons and Parole that he deserves that commutation, then why not? He deserves a second chance in life,” ani Dela Rosa.Noong siya ang BuCor chief ay wala siyang natanggap na anumang ulat ukol sa hindi magandang gawi ni Sanchez.

“According to corrections officers, nagbait na daw. In fact, nakikita nila na nagpapalda na nga daw. So changed man na talaga siya. Changed man. Bumait na. Hindi na siga,” aniya pa.Paliwanag pa ni Dela Rosa, kung para sa Board of Pardons and Parole (BPP) ay pwedeng bigyan si Sanchez ng commutation ay bakit naman ito ipagkakait sa kanya.Isa si Sanchez sa mahigit 11,000 na presong malapit nang lumaya alinsunod sa Republic Act No. 10592 kung saan nadaragdagan ang Good Conduct Time Allowance (GCTA) na ibinibigay sa mga preso na nakikitaan ng maayos na kaugalian sa loob ng preso.

“After three to five years of serving his sentence and he has no offense committed inside one incarceration and has shown good conduct… he’s given at least 20 days of GCTA per month so bali credited ito this is credited sa kanyang sentence,” saad ni Dela Rosa.“If his sentence is 30 years, life imprisonment, because one life imprisonment is 30 years, ibabawas doon sa 30 yung kanyang allowance na nag-earn while behaving good inside the jail, inside the corrections, while serving his sentence. Kaya bumababa,” dagdag niya.Sinabi pa ni Dela Rosa na maaari namang suriin ang individual record ng inmate para malaman kung talagang naging mabait na ito.“Makikita naman yan. Yung individual record of an inmate. Makikita mo yan doon kung mayroon siya na-commit na offence during his stay, during his service of his sentence. Makikita yan doon. Kung wala naman, makikita rin na malinis yung kanyang record and yung computation is open to the public. Pwede nilang i-question yung computation kung ito ay hindi accordance with the law, makikita nila doon yang computation na yan,” sabi pa ni Dela Rosa.Ngunit kinukwestiyon ngayon kung dapat bang magawaran ng good conduct si Sanchez dahil nahulihan ito ng aircon at flat-screen TV habang nakakulong noong 2015, maging P1.5 million halaga ng iligal na droga noong 2010.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *