Sekyu, inaway ng isang grupo ng transgender matapos pagbawalang gumamit ng pang-babaeng CR

Sharing is caring!

Nag-viral ngayon sa social media ang pagtatalo sa pagitan ng isang security guard at isang grupo ng transgender sa Almanza, Las Pinas dahil sa hindi pagkakaunawaan sa paggamit ng pambabaeng comfort room.

Ayon sa uploader ng video na si Macky Padilla Onrubia, sinubukan umano ng security guard na pagbawalang gumamit ng CR ng babae ang mga transgender dahilan ng pagtatalo at kaguluhan sa labas ng establisyemento.Maririnig sa video kung paano pinagmumura at pagbantaan ng mga transgender ang security guard.“Sa susunod ayusin mo ang salita mo ha, bakit mo kami pagbabawalan mag CR?” sabi ng isang transger sa sekyu.“Public toilet pagbabawalan mo kami?” dagdag pa niya.Sa isang bahagi ng video ay dumampot ng upuan ang sekyu at ang transgender naman ay humawak ng metal na dustpan kung saan muntik nang magpang-abot.

Pero iginiit pa rin ng security guard na dapat gamitin ng grupo ang CR na itinalaga para sa lalaki.Sa ngayon, hindi pa alam kung magsasampa ng reklamo ang grupo laban sa security guard.Ang insidente ay maihahambing sa nangyari sa transgender na si Gretchen Diez sa Farmers Plaza sa Cubao, Quezon City kung saan siya ay pinigilan ng isang janitress na gumamit ng CR para sa mga babae.Dahil dito, naging usap-usapan ang isinusulong sa Senado na anti-discrimination bill na pabor sa lesbian, gays, bisexual, transgender and queer (LGBTQ+) community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *