RA 10592 na nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino, pinarerebyu; binabawasan ang sentensiya ng mga rapist at killers

Sharing is caring!

Naabuso ang Republic Act No. 10592 o batas na nagbibigay ng pagkakataong makalaya ang isang inmate na nagpakita ng magandang asal ayon kay Senate President Vicente Sotto III.

Sinabi niya na nung pinasa ang batas na ito, ang isinaalang-alang ay yaong mga may edad na preso na nagpakita ng good behavior sa loob.

“When we passed it, it was to consider the situation of aging convicts of good behavior,” sabi ni Sotto.Dahil rito ay nag-file umano siya ng resolusyon para rebyuhin at amyendahan ang batas kung kinakailangan.“It’s now being abused so I’m filing a reso to review and amend the law if necessary,” dagdag ni Sotto.Ang RA 10592 ay inamyendahan sa bisa ng Revised Penal Code noong 2013 na nagbibigay ng good conduct time allowance (GCTA) sa isang preso.Sa desisyon ng Supreme Court ginawa itong retroactive, ibig sabihin ay damay rito maging ang mga kasong nangyari bago ang 2013.

Naniniwala din si Sotto na mali ang computation ng Bureau of Pardons and Parole (BPP) sa jail term ni dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez kaya nag-qualify ito para mabigyan ng pagkakataong makalaya.

“Right now, it has to be stopped because the computation is not correct. Perhaps someone can bring it up to the Supreme Court for temporary restraining order so that it will not be executed right away,” pahayag ni Sotto.“Pag sinabing good behavior ka, dapat from the time na kinompute ang good behavior mo up to the time na nag-compute sila, dapat good behavior ka. Dapat walang-wala kang ibang crime na ginawa,” saad pa nito.Subalit sa kaso diumano ni Sanchez, dalawang beses itong may ginawang kalokohan sa loob ng New Bilibid Prison (NBP).Una, nahulihan ng marijuana noong 2006 at shabu naman noong 2010.“Is that good behavior? In short, he doesn’t qualify, ganun kasimple lang ang usapan dun,” saad ni Sotto.

Samantala, sinabi rin naman ni Bureau of Corrections (BuCor) chief Nicanor Faeldon na ang paglaya ni Sanchez ay hindi pa pinal.Napabalitang nasa 11,000 na preso ang palalayain sa ilalim ng RA 10592, isa na nga rito si Sanchez na gumahasa at pumatay sa UPLB students na sina Eileen Sarmenta, at Allen Gomez.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *