Posibleng paglaya ni Ex-Mayor Antonio Sanchez, ikinagalit at hindi papahintulutan ni Pangulong Duterte

Sharing is caring!

Tutol si Pangulong Rodrigo Duterte na mapalaya si convicted murderer-rapist na si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ito ay inihayag ni Go matapos matanong sa reaksiyon ng Pangulong Duterte kaugnay sa posibilidad na mapalaya si Sanchez sa pamamagitan ng Good Conduct Time Allowance (GCTA).

Ayon kay Go, hindi sang-ayon ang Pangulo na mapabilang si Sanchez sa mga posibleng makinabang sa GCTA dahil karumal-dumal ang ginawa nitong krimen.Sinabi ni Go na galit ang Pangulo sa mga gumagawa ng ganitong uri ng krimen at mayroon aniya siyang binanggit na mga batas na tumutukoy na hindi maaaring palayain si Sanchez.“I can’t speak in behalf of the President, pero kami nung nag-usap kami ng Pangulo talagang nagalit din siya, at sinabi niya di rin siya sang-ayon at may mga sinite din siya na batas na minimum, in short ayaw din nya, galit po siya,” ani Go.Paliwanag din ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, hindi eligible si Sanchez sa batas na GCTA dahil ang mga nahatulan aniya ng heinous crimes gaya ng dating alkalde ay hindi entitled sa benepisyo.

“Mr. Sanchez under Republic Act No. 10592 is not eligible so the President, as chief enforcer of the law, will have to follow the law. Magagalit siya because when the law says he’s disqualified, bakit mo iko-consider?” ani Panelo.

Para kay Panelo, baka aniya hindi napansin ng mga opisyal ng Bureau of Corrections ang probisyon ng batas na hindi kasama ang mga may nagawang karumal-dumal na krimen.“Siguro ang nangyari niyan baka they were not able to look at the law. Kasi I noticed also in the law, yung exclusion nasa gitna, para hindi mapapansin. Usually, kasi sa bandang huli, baka hindi lang napansin,” dagdag pa ni Panelo.Marami ang umalma at nagpahayag ng pagtutol matapos mapaulat ang posibleng paglaya ni Sanchez dahil sa ipinakita umanong “good behavior” habang nakakulong sa New Bilibid Prison (NBP).Si Sanchez ay nahatulan ng pitong bilang ng reclusion perpetua dahil sa panghahalay at pagpatay kay Eileen Sarmenta at sa nobyong si Allan Gomez, na kapwa estudyante ng University of the Philippines Los Baños noong 1993.

CREDITS TO ALL NEWS CASTER , BLOGGER

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *