Pangulong Duterte, bibiyayaan ng lupa ang higit 13,000 magsasaka sa South Cotabato

Sharing is caring!

Nakatakdang bumisita si Pangulong Rodrigo Duterte sa General Santos, South Cotabato sa Huwebes, Hunyo 13, para ipamahagi ang lupa sa mga agrarian reform beneficiaries (ARBs).

May kabuuang 24,000 hektaryang lupang agrikultural ang ipapamahagi sa 13,000 ARBs.

“On June 13, the President and DAR Secretary will head to General Santos to distribute certificates of land ownership award that collectively cover 24,000 hectares of privately acquired lands to 13,000 agrarian reform beneficiaries,” sabi ni Presidential Spokesperson Salvador Panelo.

Sa ginanap na 38th Cabinet meeting noong Lunes, Hunyo 10, sinabi ni Panelo na natalakay ni Agrarian Reform Secretary John Castriciones ang mga Implementing Rules and Regulations ng Executive Order No. (EO) 75.

Sa pinirmahang EO 75 ng Pangulo, inaatasan ang lahat ng departamento, ahensya at opisina ng pamahalaan para tukuyin ang mga lupa na pag-aari ng gobyerno na nakalaan o angkop para sa agrikultura para sa distribusyon nito sa mga kwalipikadong benepisyaryo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *