Mislatel Consortium, binigyan na ni Pangulong Duterte ng license to operate; babasagin ang duopoly ng PLDT at Globe

Sharing is caring!

Pinahintulutan na ni Pangulong Rodrigo Duterte ang Mislatel Consortium, ang third telecommunications company para makapagsimula ng kanilang commercial operations sa 2020.

Pinagkalooban ng Certificate of Public Convenience and Necessity (CPCN) o “permit to operate” ng Pangulo ang mga opisyal ng Mislatel sa pangunguna ni Mr. Dennis Uy, sa isang seremonya sa Malakanyang.

“Today I’m glad to announce the entry of the new telco player that will take on the challenge on competing against the existing telco players in the industry. This new player is the Mindanao Islamic Telephone Company or Mislatel Consortium. Companying with this bond is a commitment, that I will hold you to that commitment that you improve the country’s prevailing internet speed from 4.5 mbps to 55 mbps,” ani Pangulo.

Ang seremonya ay pinangunahan ng Department of Information and Communications Technology (DICT) at National Telecommunications Commission (NTC).

Matatandaang ang pagpasok ng ikatlong telco ay isa sa campaign promise ni Pangulong Duterte na naglalayong isulong ang makatotohanang kompetisyon sa telecommunication industry at para mapaganda ang serbisyo partikular ang paggamit sa internet.

“More than a year ago, I directed government agencies to commence the selection and assignment of a radio frequency for a new telco player to solve our internet woes. Today, I am glad to announce the entry of a new player that will take on the challenge of competing against the existing players in our country’s telco industry. This new player is the Mindanao Islamic Telephone Company or Mislatel Consortium,” pahayag ng Pangulo.

Pinamumunuan ang Mislatel Consortium ni Davao businessman Dennis Uy, na kinabibilangan ng Mindanao Islamic Telephone Co. (Mislatel), Udenna Corp., Chelsea Logistics and Infrastructure Holdings Corp., at China Telecom Corp. Ltd

Si Uy ang tumanggap ng CPCN sa ngalan ng Mislatel Consortium na naglagak ng P25.7 billion bilang performance bond.

Mula Mislatel Consortium, ngayon ay tatawagin nang Dito Telecommunity ang ikatlong telco player sa bansa.

Inaasahang magiging available na ang serbisyo ng Dito Telecommunity sa 2020, na target magkaroon ng 5G connection sa bansa makalipas ang limang taon.

Ayon naman kay DICT Secretary Gregorio Honasan, ang pagpasok ng third telco ay magbubukas ng maraming oportunidad para sa mga Pilipino mula sa dagdag na trabaho at bagong innovations sa iba’t ibang sektor ng lipunan.

Sa kabilang dako, nagpasalamat naman si Uy sa gobyerno at sa sambayanan dahil sa ipinakitang malakas na suporta sa kanila.

“We thank the government sector for working closely with us and the Filipinos for their enthusiastic support. The CPCN means a lot to us at Udenna. This is more than a compliance certification. It is a clear signal that we are fully committed to providing world-class telecommunications in the country. This issuance will fast-track our project roll-outs as we plan to start commercial operations by 2020. This is just the beginning of establishing a telecommunity that will celebrate every Filipino’s life, existence, and presence,” ang pahayag ni Uy.

Hinamon naman ni Pangulong Duterte ang ikatlong telecommunications company na basagin ang duopoly na pinaghaharian ngayon ng Globe Telecom at PLDT-Smart.

“Let me take this opportunity to pose this challenge to Mislatel: break the prevailing duopoly in the telecommunications industry and fulfill your commitment to provide better telco services to our people,” anang Pangulo.

Hinimok naman ng Pangulo ang publiko na samantalahin ang mga oportunidad na hatid ng bagong telco sa pamamagitan ng online jobs, makilahok sa online learnings at training opportunities tungo sa pagbabago ng kanilang buhay.

Umaasa si Pangulong Duterte na sa pagpasok ng bagong telco ay maging hudyat na rin ito ng progreso para sa lahat ng Pilipino. At sa gitna aniya ng patuloy na pagsisikap ng gobyerno para matiyak ang mabilis, maaasahan, ligtas at murang serbisyo ng telekomunikasyon sa publiko.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *