Lalaki, patay nang aksidente niyang malunok ang nahuling buhay na tilapia sa Antique

Sharing is caring!

Nasawi ang isang 49-anyos na lalaki matapos malunok ang nahuling buhay na tilapia na bumara hanggang sa kanyang lalamunan sa bayan ng Bugasong, Antique.

Kinilala ang biktima na si Roger Marcelino, isang barangay tanod sa Bugasong, Antique, na aksidente umanong nalunok ang kanyang nahuling tilapia, ayon kay Police Sr. Sgt. Kirby Aguilar.

Bago ang insidente, nanghuhuli ang biktima ng tilapia kasama ang kanyang 11-anyos na anak sa Paliwan River sa Sitio Dam, Brgy. Tagudtod ng nasabing bayan malapit sa kanilang bahay.

Subalit makalipas ang ilang minuto ay nakita ito ng kanyang asawa na tumatakbo patungo sa kanilang bahay at humihingi ng tulong dahil sa bumarang isda sa kanyang lalamunan.

Sinubukan pa nilang tanggalin ang nakabarang isda sa lalamunan ng biktima subalit hindi nila ito kinaya kaya humingi na sila ng tulong para madala ito sa ospital subalit nasawi na rin ang biktima dahil nabarahan na ang daluyan ng hangin nito.

Paliwanag ng asawa ng biktima, nakaugalian na raw ni Roger na kagatin ang mga nahuhuling isda, o inilalagay sa kanyang bibig, para magamit pa ang kamay sa panghuli sa iba pang isda.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *