Lalaki, nakitang patay at putol ang ari sa loob ng septic tank sa Palawan

Sharing is caring!

Isang lalaki ang natagpuang patay at putol ang ari sa loob ng isang ginagawang septic tank sa Narra, Palawan.

Ang biktima ay nakilalang si Erwin Felizarte Guzman, 53-anyos, residente ng Barangay Bato-Bato sa munisipalidad ng Narra, at nagtatrabaho sa Bantay Dagat.

Tadtad din ng saksak ang biktima nang matagpuan ng mga awtoridad.

Ayon sa kapitan ng barangay na si Ernesto Ferrer, humingi ng tulong sa mga awtoridad ang anak ng biktima matapos makatanggap ng tawag mula sa isang kaibigan ng ama na nagsabing patay na ang biktima at itinapon sa ginagawang open septic tank.

Ang nasabing septic tank ay nasa likod ng bahay ng tinuturing na mga suspek na mag-live in partner.

Ayon sa mga awtoridad, maaaring sa loob ng bahay ginawa ang krimen batay sa mga bakas ng dugo na nakita sa loob ng isang kuwarto.

Tinitingnan bilang motibo ang Love triangle kaugnay sa naganap na krimen.

Tinangay din daw ng mga suspek ang motorsiklo, cellphone, at wallet ng biktima, ayon sa mga awtoridad.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *