Halos 10,000 kilometro ng mga lansangan sa bansa, naisaayos at naipagawa sa ilalim ng Duterte administration

Sharing is caring!

Sumentro sa kabi-kabilang mga proyektong may kinalaman sa pagtatayo at pagsasa-ayos ng mga tulay, road at railways system projects ganundin sa pag-a-upgrade ng mga paliparan ang naging presentasyon ni DPWH Secretary Mark Villar para sa unang araw ng pre-SONA forum.

Ayon kay Villar, nasa 9,845 kilometro nang mga kalye ang nagawa at sumailalim sa rehabilitasyon sa ilalim ng kasalukuyang administrasyon.

Ilan sa mga ipinagmalaking road at bridge projects ni Villar ay ang Tarlac-Nueva Ecija link na nakatakdang magbukas ngayong buwan, ang NLEX-SLEX Connector Road, C5 South Link Expressway, Cavite- Laguna Expressway, Camarines sur Expressway, Tarlac-Pangasinan Luzon Expressway gayundin ang Mindanao Road Development Program.

Sa aspeto naman ng pagpapa-upgrade at pagtatayo ng mga paliparan, ipinagmalaki ni Villar na most improved na ang NAIA-2 sa buong mundo mula sa pagiging worst airport nito habang ibinida din ng kalihim ang mga naitayo ng mga paliparan gaya ng Bohol Panglao International Airport na isang eco-friendly airport, ang gagawing konstruksiyon ng Bicol International Airport, New Manila International Airport na magiging operational na sa 2020, habang 67 percent complete na ang Clark International Airport na kayang makapag-accomodate ng 12 million passengers annually.

Kasama naman sa mahabang train projects ng pamahalaan na binanggit ni Villar ang Metro Manila Subway Project, Bulacan LRT Line 1 Cavite Extension Project at ang itinatayong common station na operational na sa 2020.

Dagdag pa ni Villar, 159 port projects na rin ang kanilang nagawa habang nakakasa pa ang iba pang proyekto ng Duterte administration na may kinalaman sa flood control, pagtatayo ng evacuation centers sa bawat lalawigan ganundin ng regional rehabilitation for youth.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *