Ex-Mayor Antonio Sanchez na nanghalay at pumatay sa UPLB students, posibleng makalaya dahil sa RA 10592 of 2013

Sharing is caring!

Makalalaya umano sa susunod na dalawang buwan si dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez, na nahatulang guilty sa panggagahasa at pagpatay sa isang babae at kasintahan nito, na kapwa estudyante ng University of the Philippines-Los Baños (UPLB).

Ayon kay Department of Justice (DOJ) Secretary Menardo Guevarra, mapapalaya si Sanchez dahil sa naging mabuti ito habang nakapiit.“Mayor Sanchez’s good conduct time allowance is being recomputed pursuant to the new law and a recent Supreme Court ruling,” sabi ni Guevarra.Maliban kay Sanchez, mahigit 11,000 na mga preso ang magbebenepisyo sa Republic Act No. 10592 o Good Conduct Time Allowance (GCTA) na nilagdaan ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong May 29, 2013.

“Wala naman akong nakikitang public backlash dahil batas na ‘yan, Kongreso na ang naglabas niyan, at ‘yan naman ay inapprove ng Presidente. Maganda naman ang purpose n’yan dahil kung gusto mong makalaya, halimbawa isa kang convicted person gusto mong makalaya nang maaga, magpakita ka ng good conduct while you are in detention para mas maaga kang makalaya,” ani Guevarra.Sa ilalim nito, lahat ng kuwalipikadong inmates ay maaaring makalaya batay sa kanyang good conduct; study; teaching at mentoring service; at loyalty.Ani Guevarra, pinoproseso na ang “recomputation” ng good conduct time allowance ni Sanchez at ng libo-libong iba pang person deprived of liberty (PDL).“Hindi lang prospective but retroactive ang application so that benefits lahat ng nakakulong na preso kasama si Mayor Sanchez na matagal na ring nakakulong mae entitle doon sa recomputation kaya baka makalabas na sya,” ani Guevarra.

“Libu-libo yan. So marami ang kino-compute na GCTA. So I guess madami ang makaka-labas. Ang tingin namin within the next two months, thousands of persons under detention would be released,” dagdag niya.

Magugunitang March 11, 1995, hinatulan ni Judge Harriet Demetriou ng Pasig Regional Trial Court Branch 70 si Sanchez ng pitong reclusion perpetua o katumbas ng 360-taong pagkakabilanggo kaugnay ng panggagahasa at pagpatay sa estudyante ng UPLB na si Aileen Sarmenta, at pagpaslang din sa kasintahan nitong si Allan Gomez.Bunga nito, kinumpiska ang lahat ng ari-arian ni Sanchez kabilang na ang mga lupain, sasakyan at pera sa bangko, batay sa utos ng Sandiganbayan.Nilinaw naman ng Malacañang na hindi na kailangan ng approval ni Pangulong Rodrigo Duterte ang napipintong paglaya ni Sanchez.Paliwanag ni Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang Board of Pardons and Paroles (BPP) na sa ilalim ng DOJ ang nagbibigay o nagpapasya kung sinong mga bilanggo ang nararapat na palayain.Ayon kay Panelo, susundin lamang ni Pangulong Duterte ang mga umiiral na batas at hindi na kailangan na pairalin pa ang emosyon o ano pa man.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *