Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez na nanghalay at pumatay sa UPLB students, hindi na makakalaya

Sharing is caring!

Nilinaw ng Bureau of Corrections (BuCor) na maaring hindi pa makalaya ang convicted rapist-murderer at dating Calauan, Laguna Mayor Antonio Sanchez.

Ayon kay BuCor chief Nicanor Faeldon na kailangan pang i-review ang kaniyang good conduct time allowance (GCTA).

Sinabi ni Faeldon na may mga pagkakataon na may natagpuang ilegal na droga at kontrabando sa selda ni Sanchez New Bilibid Prison (NBP).Dagdag pa ni Faeldon may mga kinasangkutan din si Sanchez na nagpapakita ng hindi kagandahan ng kaniyang pag-uugali habang nasa kulungan.Maari pa nga ayon sa BuCor chief na hindi mag-qualify si Sanchez na makalaya.

Partikular na binanggit ni Faeldon na maaring hindi maging kwalipikado si Sanchez na makalaya sa susunod na mga buwan.“Preliminary, kasi marami siyang involvement sa some not good behavior baka hindi nga siya qualified, thats really the probability. He may not be qualified to go home today or in the next few months,” ani Faeldon.“Sigurado ako I will not allow computation of good conduct to anybody who has participated in the selling of drugs or provided sanctuary or supported or provided harbor to any drug peddlers while they are here,” dagdag pa niya.Isa si Sanchez sa 11,000 inmates na pasok para sa recomputation of good conduct time allowances base sa Republic Act No. 10592.

Nahatulan si Sanchez ng 7 terms ng reclusion perpetua o pagkakakulong ng nasa 30 hanggang 40 taon kaugnay ng panggagahasa at pagpatay sa estudyante ng University of the Philippines Los Baños (UPLB) na si Eileen Sarmenta pati na sa pagpaslang sa nobyo ng babae na si Allan Gomez noong 1993.

CREDITS TO UNTV NEWS

VISIT THIS LINK https://www.untvweb.com/

2 thoughts on “Ex-Calauan Mayor Antonio Sanchez na nanghalay at pumatay sa UPLB students, hindi na makakalaya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *