Erwin Tulfo, binatikos ang planong pagsabak sa politika ni Gretchen Diez: Ayun naman pala. Gusto mo lang tumakbo sa Halalan 2022

Sharing is caring!

Hindi napigilan ng mamamahayag na si Erwin Tulfo na magkomento at batikusin si Gretchen Custodio Diez matapos magpahayag ng pagiging bukas sa pagtakbo sa politika para umano maging boses ng LGBTQ+ community sa bansa.

Sa isang post sa Facebook, ipinahayag ni Tulfo ang kanyang pagkadismaya dahil sa motibo ni Diez na mabigyan ng hustisya ang umano’y diskriminasyon na naranasan niya.

“I’m willing to maximize all of the power that’s in front of me para makapag-advocate ng change sa ating bansa. If it takes running for office, then I’m open for that. Siguro wala naman pong masama na ang isang transgender na katulad ko ay mabigyan ng pagkakataon na magkaroon ng boses lalo na po sa ating pamahalaan,” sabi ni Diez sa isang panayam.“Sabi na gusto pa nila akong tumakbo. Ako po ngayon ang gusto ko lang naman po ay mabigyan ng katarungan ang nangyari po sa akin, kasi po 28 years po akong nabubuhay sa mundo, 28 years ko pong naranasan ang diskriminasyon,” paliwanag niya.

“Noong mga panahon na ako’y bata pa at wala pa akong edukasyon at wala pa po akong kaalaman tungkol sa pagsulong ng mga karapatan ko. Now that I’m given the education, now I’m given this privilege to be the voice of the LGBTQ+ community or being the voice for equality,” dagdag pa niya.Ayon kay Tulfo, suportado niya si Diez kung hindi lang nito tinalakay ang posibleng pagsabak sa politika.

“AYUN NAMAN PALA! Sana sinabi mo kaagad na GUSTO MO LANG TUMAKBO SA SUSUNOD NA HALALAN para hindi na nasibak si ateng na janitress dahil kawawa naman,” sabi ni Tulfo.

“I WOULD HAVE FOUGHT FOR YOU ALL THE WAY BECAUSE I ALWAYS BELIEVE THAT THE LGBTQ+ SHOULD BE TREATED EQUALLY AND FAIRLY. SAYANG!” dagdag pa niya.

Nagbabala naman si Senate President Vicente “Tito” Sotto III na maaaring maabuso ang Sexual Orientation and Gender Identity and Expression (SOGIE) Equality Bill kung sakalaing maipapasa ito.“This is now an issue on women’s rights because I feel that a woman’s body is a temple and to her, the toilet is sacred. It’s where she has a weakest point. Kaya kung ikaw meron kang sandata, hindi ka dapat dun nag si-CR. You go to the men’s room,” ani Sotto.Giniit din ni Sotto ang mga reklamong naririnig niya mula sa mga transgender na sumisigaw ng diskriminasyon kaugnay sa paggamit ng palikuran.

“So dun pa lang kita mo, wala pa ito (SOGIE Equality Bill), ina-abuse na. That’s another problem,” pahayag ni Sotto.Sinabi rin ni Sotto na hindi naman nagrereklamo ang mga lalaki sa pagpasok ng transgender sa palikuran ng lalaki.“Hindi, yung mga lalaki hindi nao-offend. Si Allan K? Bakit si Sinon Loresca? Mga sikat pa yan, nagpupunta sa CR ng mga lalaki yan. Doon sila. Wala naman nagdi-discriminate sa kanila dun,” aniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *