Bikoy videos, in-upload gamit umano ang internet sever ng ADMU ayon kay SOLGEN Jose Calida

Sharing is caring!

Ibinunyag ni Solicitor General Jose Calida na ang video series na may pamagat na “Ang Totoong Narcolist” ay in-upload umano gamit ang internet server ng Ateneo de Manila University (ADMU).

Ang mga naturang black propaganda videos na nag-uugnay sa pamilya ni Pangulong Rodrigo Duterte sa iligal na droga ay lumabas noong panahon ng kampanya.

“Thereafter, the ‘Ang Totoong Narco-List’ videos were released online. They were all released using the server of Ateneo de Manila University where Respondent Peter Joemel Advincula was safely housed and hidden,” sabi ni Calida.Ang pahayag ni Calida ay sinegundahan ng affidavit ni Peter Joemel Advincula alyas Bikoy, ang lalaking nagsasalita sa nasabing video.“Ginamit ko ang main server na may SSID na Guest 1 na naka attach sa Management Information System ng ADMU sa loob ng Room 2C, ADMU University Dorm, Faculty Housing, ADMU Compound na inuupahan noon ni Father Alejo,” sabi ni Advincula.

Ayon kay Advincula, ginawa umano ang mga black propaganda videos sa Jesuit Communications Building sa Ateneo. Aniya, nasa kanya umano ang mga resibo ng biniling mga gadgets na ginamit sa paglikha ng mga videos.“Could Advincula, a criminal runaway without a penny to his name and with just a high school diploma, stage the grand scheme Project Sodoma all by himself, and use and manipulate respondents – who are some of the highest officials of the land, the alleged seasoned litigators and practitioners of the legal profession, the clergies of the Catholic Church as his unwitting, unsuspecting, and innocent pawns in his own macabre game of thrones?” saad ni Calida.

Magugunitang isinampa ng Philippine National Police-Criminal Investigation and Detection Group (PNP-CIDG) sa Department of Justice (DOJ) ang kasong inciting to sedition, libel, estafa, harboring a criminal at obstruction of justice laban kay Vice President Leni Robredo, Senators Leila De Lima, Risa Hontiveros at dating Senator Antonio Trillanes IV.Kabilang rin naman sa mga sinampahan ng kaso ang mga natalong kandidato ng Otso Diretso na sina dating Magdalo Representative Gary Alejano, dating Senator Bam Aquino, human rights lawyer Chel Diokno at dating ex-Solicitor General Florin Hilbay at ilan pang mga obispo.

CREDITS TO ALL NEWS CASTER

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *