Ben Tulfo sa mga kondisyon ni DSWD Sec. Rolando Bautista: Ang KAKAPAL! Daig mo pa si Padre Damaso!

Sharing is caring!

Binatikos ni Ben Tulfo ang mga kondisyon ni Department of Social Welfare and Development (DWSD) Sec. Rolando Bautista kaugnay sa naging isyu nito kay Erwin Tulfo.

Ayon sa pahayag ni Ben Tulfo sa kanyang Twitter, Putres na BROTHERHOOD! Ang KAKAPAL! Ayon sa kumag na OIC, mag-sorry daw sa lahat ng media outlet. BUTAW na P300k kinakailangan para mahugasan ang kasalanan. Tsong, daig mo pa si Padre Damaso at mga kolokoy na kauri mo! Nagpapatawa ka ba?Inihalintulad ni Ben si Bautista kay Padre Damaso na isang karakter sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere.Pinabulaanan din niya kung bakit kailangan pang maghingi ng tawad ni Erwin Tulfo sa social media platforms.Sa Facebook page ng Ben Tulfo Unfiltered ay naglabag rin ng hinanaing ang kapatid ni Erwin.

Sa palagay niyo kaya mananahimik lang ako’t hahayaan ko ‘tong mga kumag, kenkoy at kolokoy na maghari-harian?Pwes, basahin niyong maigi. Analyze what I’m saying kung sino ang target ko.Sinasarapan eh! Patikim ko ng konting sapak nang matauhan at magisip-isip.Hindi lang sila ang may mga bayag. Pare-pareho tayong may mga bayag, wag na tayong maglokohan pa!

Matatandaan na binasag ni Baustista ang kanyang katahimikan ng maglabas ito ng opisyal na pahayag kung saan nanghingi ng P300,000 donasyon sa higit 20 na institusyon bilang danyos.Bukod dito, hiningi rin ng kalihim na maglabas ng public apology sa social media si Erwin Tulfo upang mapatunayang sinsero ito.

.

1 thought on “Ben Tulfo sa mga kondisyon ni DSWD Sec. Rolando Bautista: Ang KAKAPAL! Daig mo pa si Padre Damaso!

  1. Mas mahalaga paba si bautista ke sa sa pangulo si trilling nga kung bastusin si pangulo me ginawa ba sila? ngayun na tama lang naman ang sinasabi ni sir erwin gaganyanin nyo tae. anyare besh ?

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *