Angelie “LIE” Reposposa | The Next Big Thing

Sharing is caring!

Angelie Reposposa Is The Next Big Thing

Bakit nga ba si Lie ang The Next Big Thing Ito ang ilan lamang kung bakit.

Nakilala natin si Angelie Reposposa sa Pagtungtung niya sa Entablado ng Its Showtime kung saan isa sya sa mga contender ng Tawag ng Tanghalan (TNT). Ipinamalas niya ang kanyang angking galing sa pag-awit , pero hindi lang iyon ang kaniyang ipinamalas nainterview siya ni Vice Ganda at Mariel Rodriguez Padilla at doon tinanong siya ng mga host, ng about sa kaniya at lagi niya nasasambit ang “Yes Maam”, hanggang sa binansagan siya ni Vice at Mariel ng Yes maam. Dahil sa angkin niyang totoo at natural na personality naaliw ang host , audience at ang maraming pilipino na nanonood. Nasambit ni Vice na Karakter to Pweding ipasok sa PBB , at labis na ikinatuwa ni Angelie Yes Maam, biniro pa siya Ni Jhong Hilario na Mag ala Voice of Big Brother na labis pinangiti ang milyong pilipino sa nanonood, pinasayaw ang bata na nagbigay ngiti sa lahat, hanggang sa Isang Staff ng Its Showtime ang nagsabi na ipapa audition sya sa PBB na labis ang tuwa ni Angelie Reposposa. At ito nga ang simula ng kaniyang journey road to PBB.

Auditon sa Starhunt, doon pinamalas ni Angelie ang kanyang natural na pagka comedyante at galing sa pagawit, Na lubos na kinatuwa ng star hunt staff at derick Lauren Dyogi. Hanggang sa napabilang sya sa final Casting ng Pinoy BIg Brother Otso.

November, 2018 na muling binuksan ang pintuan ng bahay ni kuya para salubungin ang mga bagong karakter na titira at magbibigay kulay sa loob ng Big Brother House. At sa unang batch ng mga housmate na maninirahan sa loob ay walong kabataang pinoy at isa si Angelie Reposposa o binan sagang”LIE” ang napili at unang makakapasok sa loob ng nasabing bahay. Dumating ang mga araw nagbigay siya sa tao ng ngiti, lungkot at inspirasyon dahil ipinikita nya sa mga manonood ang tapang, ang galing, ang puso, ang talino at higit sa lahat ang pakikisama sa iba . Ipanakita niya ang totoong siya na walang pagaalinlangan, hindi ikinahiya ang kaniyang pinanggalingan, at binuksan nya ang pagkatao nya sa libo libong pilipino na sumusuporta sakanya, Isang mapagmahal na anak sa kaniyang pamilya, isang mabuting kaibigan para sa mga nakilala niya at isang mabuting ihemplo para sa kabataan. Hanggang sa itinanghal sya bilang isang bahagi ng Big 4 ng unang batch na labis niyang pinagpapasalamat sa Poong my Kapal na my gawa ng lahat at sa lahat ng sumuporta sa kanya ,naniwala sa kakayahan niya at higit sa lahat ang mga taong patuloy na naniniwala at nagmamahal sa kanya.

Sa kaniyang muling paglabas sa outside world. Sumalubong sakanya ang tamis ng palakpak at hiyawan na nagbigay sakanya ng lubos na kasiyahan ng makita niya ang kaniyang taga suporta na Team Angelie na nakaabang sa labas ng bahay at sinisigaw ang pangalan niya.

Nagumpisa na ang kaniyang totoong laban sa labas, kaliwat kanang TV guesting, mall show and events ang kaniyang ginawa na lubos na ikanagalak ng kaniyang puso dahil sa lahat ng kaniyang pinuntahan andoon ang mga taga suporta nya na kailan man hindi sya iniwan . Hanggang sa unti unti na syang nakikilala dahil sa angkin nyang galing hindi lang sa pagkanta kundi din sa pagsayaw.

Araw ng kaniyang pagbalik sa Kaniyang Sinisintang Tahanan February 27 taong kasalukuyan, naganap ang kaniyang muling pagbabalik Ang kaniyamg Homecoming, libo libong tao ang sumalubong sakanya sa pagbabalik nya,. Hinulugang taktak ang tao sa dame nito. Ngiti at saya ang dulot sa mga nakakita at sumuporta sakanya at syempre nakasama nya muli ang kaniyang pamilya na lubos ang suporta mula simula ng kaniyang paglalayag.

Ang soundtrack ng bahay mo the Grand album launch, ang araw kung saan siya ang nagningning ng subra dahil sa kaniyang boses na bumihag sa lahat ng nanonoodsa araw na yun sya ang nag standout sa lahat dahil sa pagbigay nya nag malakihang boses sa kantang Nosi Balasi. Na ikinaingay hanggang ngayon sa social media. Ibat ibang reactors nag mga nagreact sakaniyang performance hanggang sa lalo pa sya nakikilala ng nakararami. Umingay ang pangalan nya. Kaya lubos na nagpasalamat si Lie sa lahat ng sumuporta at patuloy na sumusuporta sakanya.

At ngayon sa muli niyang pagbalik sa loob ng bahay ni kuya. Dala dala niyang ang laban para sa pamilya niya at para sa mga sumusuporta at nagmamahal na mga tao sakanya. Lalaban sya at ibibigay ang best nya sa abot ng kaniyang makakaya.

Kaya suportahan po natin si Angelie ” LiE” Reposposa ang Inyong Teening ng Tawanan Ng Davao sa muling pag pasok niya sa loob ng bahay ni Kuya. Ipakita natin ang love at support na meron tayo.

Kaya wag lagi kalilimutan sa pagsapit ng Voting Process always Type BB LIE to 2366
Dahil ang laban niya ay laban natin lahat.

Thank you and God Bless us all

1 thought on “Angelie “LIE” Reposposa | The Next Big Thing

  1. Nandito lang kami lie supporters mo lagi nandyn para sayo una kitang nakita ang gaan na naramdaman ko sayo i proud of you… Love you lalaban ka namin hanggang dulo 😘😘😘😘

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *