Manyakis na Angkas driver, himas rehas dahil sa pangmomolestiya sa 22-anyos na kolehiyalang pasahero

Sharing is caring!

Kulong ang isang Angkas driver matapos ang ginawang pangmomolestiya ng kaniyang kolehiyalang pasahero sa Quezon City.Kinilala ng Quezon City Police District Anonas Police Station 9, ang inarestong Angkas driver na si Herbert Ortiz Teves, 35-anyos, may-asawa at residente ng Valenzuela City.Batay sa pahayag ng biktimang itinago sa pangalang Isabel, 22-anyos, taga-Bulacan, ang pangmomolestiya ng Angkas driver ay naganap alas-9:00 ng gabi, Oktubre 5 sa kahabaan ng CP Garcia Avenue, UP Diliman, Brgy. UP Campus, Quezon City.Nakipag-inuman umano ang biktima sa kaniyang mga kaibigan sa Project 6 at nang magpasyang uuwi na ay nagpa-book siya sa Angkas app.

Subalit nang malaman ng driver na nakainom ito ay pansamantalang inihinto ang kaniyang motorsiklo sa madilim na bahagi sa nasabing lugar at doon ay ipinasok ang kaniyang kamay sa underwear ng dalaga at hinawakan ang maselang parte ng biktima.Sa takot ay hindi nag-react ang biktima hanggang sa muling paandarin ng suspek ang kaniyang motor at pagdating sa Mini Stop Store sa Katipunan ay hinawakan na naman ang kaniyang legs ng nasabing Angkas driver subalit hindi umano uli nag-react ang kolehiyala.Nang makarating na ang biktima malapit sa kanilang tahanan ay saka siya humingi ng saklolo sa kanilang mga tanod sa Barangay Bagumbayan na nakilalang sina Francis Weavering, Arnel Galang, Reynaldo Uso at inaresto ang Angkas driver.Agad namang itinurn-over ng mga tanod sa Anonas Police Station ang suspek at inihahanda na ang kasong acts of lasciviousness laban sa kaniya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *