2 menor de edad, arestado matapos gahasain ang bangkay ng 84-anyos na lola

Sharing is caring!

Dinampot ng Digos City Police Office (DCPO) ang 2 menor de edad na itinuturong responsable sa panggagahasa ng bangkay ng isang lola sa loob ng Digos City Public Cemetery.

Base sa ulat, nagulat na lang ang pamilya ng namatay na bumalik sa sementeryo matapos makitang nakabukas na ang libingan ng 84-anyos na lola na kalilibing lang ng isang araw.

Nakita ng kanyang mga kaanak na dumalaw na nasa labas na ng puntod ang bangkay at wala na itong mga damit kaya’t kitang-kita ang pribadong parte ng katawan nito habang naka-krus ang paa na nakapatong sa kabaong.

Malaki ang paniniwala ng pamilya na may nangyaring masama sa lola na sinasabing ginahasa umano ng nahuling mga menor edad.

Isa sa mga nahuling suspek na si alyas Erwin, 16-anyos, ang mahigpit na tumanggi na may kinalaman siya sa krimen dahil pilit lamang umao siyang pinapaamin ng mga tumuro sa kanya.

Humingi na ng tawad sa pamilya ng biktima ang mga magulang ng mga menor de edad pero hindi umano sila naniniwala sa mga paratang laban sa mga ito.

Nakatakda namang iharap sa tanggapan ng alkalde ng lungsod ang mga suspek na kasalukuyang nasa kustodiya ng Department of Social Welfare and Development.

Samantala, nagsagawa na ng follow-up investigation ang mga otoridad upang malaman kung nagahasa nga ang bangkay.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *