5-anyos na bata sa Isabela, patay matapos mabangga at pumailalim sa kotse habang nag-aabang ng sundo sa paaralan

Sharing is caring!

Patay ang isang 5-anyos na estudyante sa Isabela matapos masagasaan ng sasakyan habang nag-aabang ng sundo sa labas ng kanilang paaralan sa Isabela.

Kalalabas lamang ng biktima na si Jhedai Dimayacyac at ng kapatid nitong babae mula sa paaralan nang mangyari ang insidente sa harap ng St.James The Apostle School, Centro West, Santiago City.

Pinag-antay daw ang magkapatid ng sundo nila sa gilid ng kalsada habang kinukuha nito ang tricycle.

“Sinundo siya ng taga-sundo namin. Iniwan siya sa gate tapos sabi niya, sandali lang hintayin niyo ako kukunin ko ‘yung tricycle,” kuwento ng nanay ng mga bata na si Apple Dimayacyac.

Habang nag-aantay sa laban ng paaralan, humingi raw si Jhedai ng pera sa kanyang ate ngunit hindi ito binigyan kaya nagtampo ang bata at umupo na lamang sa daan.

Sakto namang may padaan na sasakyan at nasagasaan ang bata at pumailalim pa sa gulong na naging sanhi ng agad niyang pagkamatay.

“Hindi po niya tinakbuhan, kaya lang hindi niya tiningnan kung buhay pa ‘yung anak ko. Akala niya bato lang daw ‘yung dinaanan niya,” sabi ng ina.

Hawak na ng awtoridad ang driver ng nakasagasang sasakyan na si Iloisa Joy Aggalot Casabar, 28-anyos, ngunit tumanggi itong magbigay ng pahayag ukol sa nangyari.

Dahil sa insidente, agad na napauwi ang ama ni Jhedai na si Eyzon Dimayacyac mula sa abroad kung saan ito nagtatrabaho.

Napahagulgol na lamang at napaluhod ang nanlulumong ama nang dumating ito sa burol, bitbit ang pasalubong nito na paboritong laruan ng anak.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *