Michael Dutchi Libranda “Binalewala” – Lyrics LIVE on Wish 107.5 Bus

Ikaw na pala
Ang may-ari ng damdamin ng minamahal ko
Pakisabi na lang
Na wag ng mag-alala at okay lang ako

Sabi nga ng iba
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan, hmm…

Kaya’t humiling ako kay bathala
Na sana ay hindi na siya luluha pa
Na sana ay hindi na siya mag-iisa
Na sana lang…

Ingatan mo siya
Binalewala niya ko dahil sayo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ako dahil sayo, dahil sayo

Heto ‘ng huling awit na kanyang maririnig
Heto ‘ng huling tingin na dati siyang kinikilig
Heto ‘ng huling araw, ng mga yakap ko’t halik
Heto na, heto na…

Sabi nga ng iba ha
Kung talagang mahal mo siya ay hahayaan mo
Hahayaan mo na mamaalam
Hahayaan mo na lumisan, oh…

Ingatan mo siya
Binalewala niya ko dahil sayo
Nawalan na ng saysay ang pagmamahal
Na kay tagal ko ring binubuo
Na kay tagal ko ring hindi sinuko
Binalewala niya ko dahil sayo, dahil sayo

Heto ‘ng huling awit na iyong maririnig
Heto ‘ng huling tingin na dati kang kinikilig
Heto ‘ng huling araw, ng mga yakap ko’t halik
Heto na, heto na
Ingatan mo siya

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *