Bandang Lapis “Kabilang Buhay” – Lyrics LIVE on Wish 107.5 Bus

Masasayang mga araw na kasama kita
Paglalambing at kulit mo na hindi nakakasawa
Punong-puno ng ligaya ang ating pagsasama
Na parang wala nang sisira ng lahat

Bakit pa dumating ang oras na ito?
Nabalitaan ko na wala ka na

‘Di ba’t sabi mo hindi mo ko iiwan?
‘Di papabayaan na ako’y mag-isa
‘Di ba’t sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandyan sa kabilang buhay?

Paano na ang lahat? Paano na ako, tayo?
‘Di ba’t sinabi mo sa akin na sabay tayong mangangarap?
Bakit bigla kang lumisan nang hindi man lang nagpaalam?

Isang malamig na hangin ang yumakap sa akin
Parang isang pahiwatig na magpapaalam ka na

‘Di ba’t sabi mo hindi mo ako iiwan?
‘Di papabayaan na ako’y mag-isa
‘Di ba’t sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandyan sa kabilang buhay?

‘Di ba’t sabi mo

‘Di ba’t sabi mo

oohhhhhhhhhh…….

‘Di ba’t sabi mo hindi mo ako iiwan?
‘Di papabayaan na ako’y mag-isa ohhh..
‘Di ba’t sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandyan sa kabilang buhay?

Sa kabilang buhay

‘Di ba’t sabi mo hindi mo ako iiwan?
‘Di papabayaan na ako’y mag-isa ohhhhh..
‘Di ba’t sabi mo sabay tayong tatanda?
Bakit bigla ka na lang nandyan sa kabilang buhay?

Sa kabilang buhay

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *